Abas bagong Comelec chairman – Duterte

HINIRANG bilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec) si Sheriff Abas.

Si Abas, dating Comelec commissioner, ang siyang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ng nagbitiw na si Chairman Andres Bautista.

Pamangkin ni Moro Islamic Liberatiion Front (MILF) Mohagher Iqbal si Abas, na hinirang ni dating Pangulong Benigno Aquino III bilang commissionr ng Comelec.

Bago napiling commissioner ng Comelec, nagsilbing acting Assistant Regional Director ng Civil Service in Autonomous Region sa Muslim Mindanao si Abas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *