Aroganteng mga opisyal nagpababa ng rating ni Digong – Chiz

NANINIWALA si Senador Francis “Chiz” Escudero na maaaring sisihin din ang mga arogante at manhid na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte na namumuno sa giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga kaya bumaba ang rating ng Punong Ehekutibo.

Bagama’t hindi tinukoy ni Escudero ang nasabing mga opisyal, dapat na disiplinahin ni Pangulong Duterte ang mga manhid at aroganteng mga opisyal sa madugong laban nito kontra droga.

“‘Yung drug war, dapat bawasan ng konti lalo na sa parte ng kanyang mga opisyal—‘yung pagiging manhid, arogante at tila walang pakialam,” pahayag ni Escudero.

“Dapat mas maging sensitibo sila lalo na buhay ng ating mga kababayan ang involved dito, tulak man o hindi,” dagdag pa ng senador.

Magsilbi aniyang “wake up call” ito sa kasalukuyang administrasyon.

Duterte pagod na at di na masaya sa pagiging presidente

Pagod na at hindi na masaya sa mga gawain niya bilang pangulo ng bansa  si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit sa kabila nito, iginiit ng pangulo na tatapusin niya ang kanyang termino at hindi siya magbibitiw sa kalagitnaan ng kanyang panunungkulan.

Anang Pangulo, hangad niya na tapusin ang buong termino niya sa tulong at gabay ng Panginoon at ni Allah upang maibigay niya ang mga ipinangako niya sa mga Filipino.

Dagdag pa niya, nakakapagod na ang dami ng trabaho niya, pero sapat na ang dahilan na marami pa siyang problemang kailangang ayusin para ipagpatuloy niya ang kanyang madato.

Ikinalungkot naman ni Duterte na marami siyang kailangang baguhin sa kaniyang pamumuhay, tulad ng hindi na niya mapuntahan ang mga madalas niyang tinatambayan dahil sa isyung panseguridad.

Bagaman ang tanging paraan lang para makalusot ay ang magbitiw siya sa pwesto, hindi niya ito gagawin dahil may pangako siya sa mga tao na anim na taon siyang maninilbihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *