JUSTICE COMMITTEE MABILIS NA TATALAKAYIN ANG IMPEACHMENT VS SERENO

MAGIGING mabilis umano ang gagawing pagdinig ng House Committee on

Justice sa dalawang magkahiwalay na impeachment complaint na inihain

laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno at

tiniyak din na magiging patas at bibigyan ng sapat na pagkakataon ang

huli para maipagtanggol ang sarili nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali,

chairman ng naturang komite, na maaaring hindi na nila kailanganin ang

animnapung araw para mapagpasyahan ang dalawang reklamo laban sa

punong mahistrado.

“Most likely not, tatapusin kaagad namin,” ang tugon ni Umali sa

tanong kung magagamit ba nila ang buong 60 days, na base Rules of

Impeachment ng Kongreso, ay siyang ibinibigay na taning para sa

Justice committee na resolbahin ang sumbong laban sa isang impeachable

official.

“I don’t want to procrastinate. I dont want to prolong the agony. I

try to resolve issues before me kasi i have other things to do which

are equally important, except that this is a Constitutional mandate so

we have to give priority to it.” Ang sabi pa ng kongresista.

Sa Miyerkules, pormal na didinigin ng komite ni Umali ang

impeachment charges na inihain ni defeated senatorial candidate Atty.

Lorenzo Gadon at grupo nila Volunteers Against Crime and Corruption

(VACC) founding chair Dante Jimenez at Vanguard of the Philippine

Constitution Inc. (VPCI) president Eligio Mallari.

Inakusahan ni Gadon si Sereno ng betrayal of public trust dahil sa

mahal na pagbili diumano ng Toyota Land Cruiser sa halagang P5.1

million gayung P4.5 million lamang aniya ang presyo nito at ang

kabiguan din umano ng lady chief magistrate na ideklara ang aniya’y

“exorbitant lawyer’s fees” nito na sinasabing nasa $745,000 o P37

million.

Culpable violation of the Constitution naman ang isa sa basehan ng

reklamo nila Jimenez at Mallari laban sa punong mahistrado dahil sa

paglikha umano nito ng bagong Judiciary Decentralized Office at muling

pagbubukas ng Regional Court Administration Office sa Western Visayas,

na wala umanong kaukulang basbas mula sa bumubuo ng high tribunal.

Bukod dito, betrayal of public trust din ang nagawa diumano ni Sereno

sa hindi pagtugon sa applications para sa mga posisyon ng Supreme

Court deputy clerk of court at chief attorney, kasama ang dalawang

posisyon para sa assistant court administrator.

Inakusahan din nila si Sereno sa ilegal na paggamit umano sa pondo ng

SC partikular ang para sa foreign travel allowances ng kanyang staff.

Sinabi ni Umali na sakaling lumusot sa botohan para maideklara na nasa

tamang porma at mayroong sapat na basehan ang alinmang sa dalawang

impeachment complaint na ito ay hihingin nila ang pormal na sagot o

depensa ni Sereno at kasunod nito ang posibilidad na personal na

pagpapatawag sa huli para humarap sa kanilang komite.

Dagdag ng kongresista, mismong si Speaker Pantaleon Alvarez ang

naghayag na hindi mangyayari ang tinatawag na “creeping impeachment” o

pagkakaroon ng 98 na kongresista na lalagdag sa impeachment complaint

laban kay Sereno para mapabilis ang pag-aakyat sa Senado, na siyang

tatayo bilang impeachment court.

Aniya, titiyakin ng kanyang komite na handang-handa sila at nakakuha

ng mga mabigat at sapat na ebidensiya na magiging basehan nang

babalankasin nilang articles of impeachment para madala sa Senado ang

kaso kay Sereno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *