MMDA sa mga shoppers: Mamili sa mall na malapit lang para iwas-trapik

Pinayuhan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga shopper na mamili na lamang sa mga shopping mall na malapit sa kanilang tinitirhan,  kasabay ng kahilingan sa mga mall operators na mag-adjust na ng oras sa kanilang operasyon, dahil “ber” na at asahan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Bilang panawagan ito ni MMDA Assistant General Manager  for Operation Jojo Garcia, para aniya huwag maabala ang mga ito sa trapik dahil asahan na aniyang pagsapit ng buwan ng “ber” at nalalapit na sa buwan ng Kapaskuhan ang matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila lalu na mga area na malapit sa mga shopping mall.

“If you are a Quezon City resident, you can shop there than going to Manila,” ani Garcia.

Para aniya hindi makadagdag sa masikip na trapik sa mga lasangan ng Metro Manila lalu na sa mga commercial district, nanawagan ito sa mga mall operators na mag-adjust ang mga ito sa kanilang operasyon.

Nabatid, na ngayong buwan na ito, ay makikipagdayalogo ang MMDA sa mga mall operators  para sa pag-a-adjust ng oras ng kanilang operasyon.

“We will hold a dialogue with mall operators this month and ask them to implement adjust their operating hours to control the volume of traffic in the vicinity of their establishments,” dagdag ni  Garcia.

Nabatid na sa ngayon ang mga shopping mall, nagbubukas ng alas-10:00 ng umaga at nagsasara ito ng alas-9:00 ng gabi at kapag may sale ay umaabot ito ng hatinggabi.

Ayon sa MMDA pag panahon ng “ber” lalu na ang December, mula sa 15 porsiyento tumataas ng 20 porsiyento ang volume ng trapik.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *