P3.8-B COACHES NG MRT ISASAULI NA SA CHINA

ISASULI na lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang  48 sobrang bigat na  coaches ng  Metro Rail Transit (MRT) sa  China na ginastusan ng nakaraang administrasyon ng  P3.8-B.

Ayon kay  DOTr undersecretary for rails Cesar Chavez, inatasan siya ni DOTr secretary Arthur Tugade na kumuha ng “third party qualifier” para pag-aralan ang 48 coaches kung pwede pa itong magamit sa MRT.

“Ganito instructions ni Secretary Tugade , we can’t compromise the safety of our passengers. Therefore, anong ginawa ng Singapore, Malaysia, Hong Kong, Pakistan? Kumuha ng third party certifier.  So what did we do? Number one, we got internationally known certifier, based in Germany and other certifiers,” ayon kay Chavez.

Aniya, nagsumite na siya ng mga kumpanya kay  DOTr Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Paul Yebra para mabigyan siya  mga dokumento para sa mga quotation.

Dagdag pa niya, pagkaraan ng tatong buwan, makaraan ang “notice to proceed,  ipapa-audit kung pwede pang tumakbo at kung hindi aman, ibabalik na lang ito sa China.

Ayon kay Chavez, ang kanilang aksyon ay batay sa kahilingan n Sen. Grace Poe  sa isinagawang pagdinig sa finance committee hinggil sa budget ng DOTr para sa budget ng nasabing ahensiya para sa taong 2018.

Si Poe, chairman ng  Senate public services committee, ay nagpahayag a dismayado siya sa pagbili ng gobyerno ng mga tren galing China na hindi na compatible sa tren na galing sa Dalian Corporation na nakabase sa China.

Nangako si Poe na hahabulin niya na paiimbestigahan nya ang mga opisyal na nasa likod ng anomalya sa pagbili ng coaches ng MRT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *