PAGHILOM NG SUGAT SA EDSA RALLY

TAHIMIK na idinaos kahapon pagtitipon sa EDSA Shrine na pinamumunuan ng Simbahang Katoliko para sa paghihilom ng sugat sa gitna ng extrajudicial killings sa bansa.

“Kapag hindi natin itinigil ang patayan, may sumpang parusa ang bayang pumapatay sa sariling kababayan, ” ayon kay Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang banta sa isinagawa niyang misa na may temang, “Lord Heal Our Land”  sa Edsa Shrine.

Muling iginiit ni Villegas ang hiling ng Simbahang Katoliko na ihinto na ang mga pagpatay kaugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga at simulant na ang paghihilom ng sugat ng ating bansa.

“Walang gobyernong forever. God lang ang forever,” pahayag niya.

“Power belongs to the people not the power-holder,” dagdag pa niya.

Inialay ni Villegas ang pamisa sa mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa na kinabibilangan ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos, na nakiusap: “Tama na po, may test pa po ako.”

“Kung totoong drug users kayo, tama na at magbago. May bukas pa,” ayon pa kay Villegas.

Walang naganap na pagtatalumpati ng mga pulitiko na dinaluhan ng mga lider ng Simbahan at cause-oriented group na Tindig Pilipinas.

“Siyempre, tatawagin na naman kaming destabilizers nito. Pero ang panawagan ng taumbayan, ang panawagan ng Simbahan ay hilumin ang mga sugat, hintuin na ang pagpapatay, baguhin ang pananaw pagdating sa usapin ng droga,” ayon naman sa isang founder ng Tindig Pilipinas na si Karina Constantino-David.

“Sa loob ng demokrasya, ang bawat tao ay dapat may kalayaan na magpahayag. Ang pagpapahayag ng di pagsang-ayon sa nakaupo ngayon sa ating gobyerno ay hindi destabilization, kundi karapatan at obligasyon ng bawat mamamayan,” pahayag pa ni David.

Pagkaraan, nagsipag-sindi ng kandila ang mga dumalo sa pagtitipon at nagprusisyon.

Afterwards, participants from Tindig Pilipinas and other multi-sectoral

“Walang kulay ang November 5. Ang kulay ng November 5 ay transparency, clarity of vision, purity of heart,” ayon pa kay Villegas.

“Hindi tayo magra-rally para sumigaw. Tayo ay mananalangin para ibulong sa puso ni Hesus, patawarin po Ninyo kami, patawarin po Ninyo ang bayang nagkasala laban sa Inyo.”

Ang Simbahang Katoliko ay lantarang kinokondena ang madugong pakikidigma ng gobyernong Duterte sa giyera kontra iligal na droga na nagresulta sa umano’y extrajudicial killings.

Tinatayang umabot sa 20,000 katao ang nagtipon sa People Monument.

Ang kampanya ay bahagi ng kahilingan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na itigil na ang nagaganap na patayan sa bansa.

Ang mga dumalo sa misa at nagmartsa ay sina Senador Franklin Drilon at Bam Aquino, dating Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Teddy Casiño, at dating Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *