PDEA NA LANG ANG MAGSASAGAWA NG ANTI-DRUGS OPS

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang ahensiyang magsasagawa ng anti-drug operations ng gobyerno.

Ito ang nakasaad sa memorandum na nilagdaan ni  Duterte noong Oktubre 10, at ipinadala sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Duterte, ang ibang ahensiya na nagpapatupad ng batas na kinabibilangan ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), kabilang na ang lahat ng ad-hoc task forces, ay hahayaan na ang PDEA ang magsagawa ng mga operasyon laban sa iligal na droga.

“The PNP, shall at all times maintain police visibility, as a deterrent to illegal drug activities leaving to the PDEA however, the conduct of anti-illegal drug operations,” ayon pa kay Duterte.

“All information/data received by the NBI, PNP, AFP, Bureau of Customs, Philippines Postal Office, and all other agencies or any and all ad hoc anti-drug task forces shal forewith be relayed, delivered or brought to the attention of the PDEA for its appropriate action,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Duterte, na ginawa niya ito para maituro kung sino ang pwedeng panagutin sa mga isinasagawang operasyon kontra droga.

Nakatanggap nang matinding batikos ang PNP dahil sa pagkamatay ng tatlong binatilyo sa isinagawang brutal na giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *