REP. SALO HINILING SA DFA, DBM, PRC, CSC NA AKSYUNAN AGAD ANG HILING NG MGA OFW SA DUBAI

BILANG miyembro ng House Committees on Foreign Affairs and Overseas Workers Affairs, agad na umapela si KABAYAN partylist Rep. Ron Salo sa Department of Foreign Affairs, Department of Budget and Management, Professional Regulation Commission at Civil Service Commission na agad solusyunan ang anim hanggang 12 buwan nang problemang kinakaharap ng mga bayaning OFW sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon kay Salo, nagtungo siya sa Dubai at doon ay nagsagawa ng pakikipag-pulong at konsultasyon sa mga OFW na ginanap sa bulwagan ng bayan.

Aniya, matindi ang pangangailangan ng Dubai consular office para sa consular officers at mga tauhan para maasikaso ang mga pangangailangan at problema ng may 500 libong OFWs sa lugar na  kanilang nasasakupan.

Mula Enero hanggang Oktubre, nakatanggap ng 60,600 passport application ang Dubai consular office, 476 para sa mga nag-apply para sa travel documents at 4,769 aplikante para sa amendments sa consular documents.  Para tugunan ang mga ito, ang opisina ay may tatlo lamang consular officers at 38 kawani.

Dahil dito, mahaba ang pila  para sa passport application at karaniwan, dalawang buwan ang gugugulin para makakuha sila ng appointment dahil limitado ang kanilang kakayanan na matugunan ang mga pangangailangan ng mga aplikante.

Hiniling kay Rep. Salo ng OFWs sa Dubai, na iparating sa PRC ang kanilang kahilingan para sa pagsasagawa ng licensure examination dito.  Hiniling din nila sa CSC para sa pagsasagawa ng civil service exams sa Dubai

Tiniyak naman ng kongresista sa OFWs sa Dubai na ang gobyerno, lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte, ay gagawin ang lahat ng makakaya para sa mga problemadong OFWs o sa mga may kinakaharap na kaso para pangalagaan ang kanilang karapatan hanggang sa maayos ang kanilang kaso at  sasagutin din ng gobyerno ang pagpapabalik sa kanila sa ating bansa para makita nila ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa Filipino community, tinalakay ni Rep. Salo ang adbokasiya ng KABAYAN Partylist (kalusugan, pabahay, kabuhayan, edukasyon & OFW) KABAYAN  2 at ang  mga batas na pinagtibay para sa mga layunin: Kalusugan – Universal Health Care;  Pabahay – Department of Housing  & the On-Site, In-City Resettlement; Kabuhayan – kaugnay sa 3Cs ng Education; Education – 3Cs ng Edukasyon (Critical Thinking, Craftsmanship & Character); at OFW – Department of Migration Development.

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *