Rep. Salo kay Roque: Gamitin ang posisyon mo para sa bayan hindi para sa sarili mo

PINAALALAHANAN ni Kabayan party-list Representative Ron Salo si  acting presidential spokesperson Harry Roque na gamitin ang kanyang posisyon bilang “mouthpiece” ng Pangulo para sa kapakanan ng bansa at hindi para sa sarili lamang nito.

Kaugnay ito nang hilingin ni Roque, kinatawan din ng nasabing party-list,  sa House ethics committee na agad aksyunan ang kanyang isinumiteng rklamo na agad aksyunan.

“Mr. Roque should be reminded that he is a spokesperson for the President and not of himself. He should be concerned with matters involving the presidency and the interest of the country, and not of his personal glorification,” ayon kay Salo sa isang pahayag.

Ipinahayag pa niya, na bilang presidential spokesperson, may mabigat siyang responsibilidad na dapat niyang maintindihan na walang puwang ang paghihiganti sa serbisyo-publiko.

“In assuming a presidential spokesperson post which is of great responsibility, he should understand that there is no room for vindictiveness in public service,” he added.

Nagsampa si Roque ng anim ang ethics complaints laban kay Salo dahil sa maramihang paglabag sa Code of Conduct ng Kongreso.

Ayon kay Salo, “The basis for these complaints is “as shallow as a kiddie pool,” which Roque has used anyway to advance “personal media mileage.”

“I just wonder what is its value to the presidency and to the country,” dagdag pa niya.

Ang mahalaga, banggit pa ni Salo, ay sinampahan na niya ng disbarment case si Roque sa Korte Suprema.

“The disbarment is an act of preserving the integrity of the legal profession and his fitness to remain its member, which is essential to public service,” paliwanag pa ni Salo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *