ROQUE, AHAS!

MAITUTURING na isang makamandag na ahas si Presidential spokesperson Harry Roque dahil sa pamamangka niya sa dalawang ilog si dahil naglalaro ito na pro-Duterte at nagkukunwari siyang sumusuporta sa War on Drugs ng Pangulo na siyang cornerstone ng kanyang administrasyon, kung kaya’t pinagkatiwalaan siya at itinalaga para maging tagapagsalita ng Palasyo.

Subalit, si Roque pala mismo ang nasa likod sa pagtuligsa at pagkwestyun ito sa Korte Suprema.

Kamakailan, nagpetisyon ang law partner ni Roque na si Joel Butuyan at chief of staff na si Rommel Bagares, ng Center for International Law, sa pamamagitan ng isang class suit laban sa Philippine National Police (PNP) na humihiling sa Korte Suprema na makialam para iligtas ang mga residente ng San Andres Bukid, Manila laban sa mga pulis na pumatay ng 35 residente rito simula nang ilunsad ang kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Hinamon ng law office ni Roque ang giyera kontra droga ni Pangulong Duterte.

Ayon sa reklamo, nagsasagawa ng paghahalughog ang mga pulis sa bawat bahay kahit walang warrant of arrest at lumalabag din ang mga ito sa karapatan ng mga mamamayan na ituring na inosente at karapatan laban sa iligal na paghahalughog at panghuhuli alinsunod sa Article III ng 1987.

Alinsunod sa PNP Command Memorandum Circular No. 16-2016 at Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2017-112, na humihikayat sa mga pulis na patayin ang mga suspek sa droga.

Ayon sa law partner ni Roque na si Butuyan, ang walang habas na pagpatay sa mga taong isinasangkot sa iligal na droga sa bansa na umaabot na sa 14,000, ay nagsimula nang manalo si Duterte sa pagka-pangulo ng bansa at pagkaraan ay nag-isyu ng DILG at PNP circulars.

“Never in our history as a people has it happened that state agents, our police, admitted to being responsible for thousands of civilian killings and never in our history as a country has thousands of killings been justified on the basis of a government circular,” pahayag ni Butuan.

Ang pamamangka ni Roque sa dalawang ilog ay malinaw na nagpapatunay ng kawalan niya ng prinsipyo, at ang pagkukunwari niya na nasa panig siya ng administrasyon ay kataksilang maituturing kay President Duterte.

Isa siyang makamandag na ahas na tinutuklaw kahit sino.

COMMUTERS, NAIMBIYERNA KAY ROQUE

Makaraang ipahayag ni Roque na ayaw niyang i-cover siya ng media para sa kanyang mga official trip, ipinatawag naman niya ang mga reporter na nagkokober sa Palasyo para sa kanyang plano na sumakay sa Metro Rail Transit 3 linggu-linggo para malaman niya ang nararanasang hirap ng mga ito tuwing sasakay ng tren.

“All I can offer you is I can offer once a week to take MRT coming to work,” pahayag ni Roque sa isang press briefing.

“I can do that, so that I can complain personally to the MRT people. Maybe I’ll do that, once a week, I’ll do that,” pahayag pa niya.

Ngunit sa halip na makatulong si Roque na nagpapa-interview mismo sa pintuan ng tren, hindi makapasok ang mga nagmamadaling pasahero.

Dumating si  Roque sa MRT3 North Avenue Station dakong alas-9 ng umaga.

Kasama ni Roque ang sangkaterbang miyembro ng media na may dala ang malalaking ameras at tripods at nagdudumaling nagtungo sa train station.

Habang napapaligiran ng mga reporter, nagbayad si Roque ng one-way ticket patungong Taft Avenue Station, ang huling station ng MRT3.

Dahil hinaharang ng mga guwardya ang mga sasakay na pasahero, humaba ang pila hanggang sidewalk ng EDSA.

Sa halip na ikatuwa ng mga commuter ang pagsakay ni Roque, marami ng nagsabi na hindi na sana siya sumakay sa tren para hindi na madagdadagan pa ang kanilang hirap.

“Ang layo pa ng election ang aging mangampanya.  Halata namang plastic.  Kanina pa kaming nakapila rito pero lalong tumagal dahil sa kanya,” sabi ni Leny Santiago, 17, isang estudyante.

Nang makapasok na sa loob ng tren, nagsimula nang sumagot ng tanong si Roque sa mga reporter na nakipagsiksikan sa loob dala ang kanilang mga camera.

Habang kinukunan ng camera, nakipag-usap si Roque sa mga pasahero.

Hindi rin nakaupo ang mga pasahero dahil inokupa ng grupo ni Roque ang mga upuan.

Nag-tweet din si Harold Tan ng, “Harry Roque should try riding the MRT standing up all the way from end to end.”

Bagaman at naging kalmado ang ilang mga pasahero, mas marami ang nagalit.

Malakas ang sigaw ng isang pasaherong naiirita sa nagaganap sa tren, “Bakit pa kailangang ditto magpa presscon?”

Tila natauhan, nang huminto sa Taft Station ang tren, nagmamadaling naglakad palabas si Roque patungo naman sa LRT1 EDSA Station.

Nagmamadali ring lumabas ang mga miyembro ng media na humalo sa nagsisiksikang commuters.

Dumaan sina Roque at ang mga miyembro ng media sa priority lane ng LRT1.

Agad na ineskortan ng tatlong guwardiya ng RT1 ang grupo ni Roque.

Sa bawat paghinto ng tren, kinailangag bumaba ng 3 security guard para harangan ang mga communiters na makasakay sa tren na kinaroroonan ni Roque.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *