SUSPEK SA CASTILLO SLAY NASA BANSA NA

NAKABALIK na ng bansa ang isa mga suspek sa pagpatay kay University of Santo Tomas (UST) freshman law student Horacio Castillo III.

Si Ralph Trangia, sergeant at arms ng Aegis Juris Fraternity, ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 kasama ang kanyang inang si Rosemarie dakong alas- 11:44 ng umaga.

Ang mag-ina ay lumulan sa EVA Air flight BR271 mula Taiwan ay nag-landing sa paliparan dakong alas-11:40 ng umaga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), na ang ginamit na sasakyan na siyang nagdala kay Castillo sa ospital ay nakarehistro sa ama nito.

Umalis ang mag-ina patungong Chicago noong Setyembre 19, isang araw bago ilagay ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Trangia at ang iba pang suspek sa immigration lookout bulletin.

Kahapon, tumanggi sa imbitasyon ng MPD na magtungo sa headquarters ang mag-inang Rosemarie at Ralph Trangia kaugnay sa hazing case ,wala naman itong epekto sa isinusulong na mga usapin sa kaso.

Sinabi ni Chief Inspector Rommel Anicete, hepe ng  MPD Homicide Department, na ang pagtungo nila sa Ninoy Aquino International Airport kanina ay bahagi ng koordinasyon sa  mga law enforcement agency na may kinalaman ngayon sa ginagawang imbestigasyon sa naganap na hazing ng Aegis Juris Fraternity na nagresulta sa pagkamatay ni Castillo.

Kabilang ang mag-inang Trangia sa mga respondent sa kaso na kasama rin sa preliminary investigation sa Department of Justice.

Ayon kay Anicete, malaki ang maitutulong sana  kong sumama sa kanila ang mag-inang Trangia sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa tunay na nangyari noong petsa na maganap ang initiation rites ng Aegis Juris kay Castillo III.

Wala naman silang magagawa at hindi nila maaaring puwersahin ang mag-inang Trangia dahil sa kawalan ng warrant of arrest at ito rin aniya ang itinatakda ng batas.

Iginiit ni Anicete na may tamang venue kung saan maaaring magbigay ng kanilang panig ang mag-inang inaakusahan gaya ng preliminary investigation ng DOJ panel of prosecutors.

Reklamong murder, obstruction of justice, robbery at paglabag sa anti hazing law naman ang kinakaharap na kaso ng mag-ina na isinampa s MPD ng magulang ni Castillo III na ngayon isinusulong ngayon ng pulisya sa DOJ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *