TRANSITORY SHELTER PARA SA BAKWIT MULA SA MARAWI, MINAMADALI

Minamadali na ng Dept of Public Works and Highways ang pagtatapos ng site development na pagtatayuan ng unang batch ng mga transitory house para sa mga inilikas na residente mula sa Lungsod ng Marawi.

Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, ang mga transitory house ay itatayo sa BrgySagonsongan sa Lungsod ng Marawi at tinatayang isang libo at isang daang pamilya ang makikinabang.

Sinabi ni Villar na kabuuang 241.69 million pesos ang nakalaan para sa land development ng Barangay Sagonsongan.

Sa nasabing pondo kukunin ang gastusin para sa pagsasagawa ng clearing operations, pagtatayo ng model house, paglalagay ng aspalto at pagsasaayos ng drainage sa limang unang bahagi ng lugar na pagtatayuan ng mga transitory shelter.

Sasakupin na rin ng pondo ang karagdagang apat na ektarya at anim na ektaryang mga lugar na iminungkahi ng mga opisyal sa Lungsod ng Marawi para pagtayuan ng transitory shelter.

Sa oras na matapos na ang site development, maari na umanon simulan ng National Housing Authority ang pagtatayo ng mga transitory shelter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *