Wag matakaw: Roque dapat bakantehin ang pwesto habang siya ang mouthpiece ni Duterte – Kabayan Rep. Salo

IPINAHAYAG ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo na ang bagong talagang spokesperson na si Harry Roque, dati niyang kasamahan at matinding kalaban sa pulitika, ay inalis na ang kanyang  karapatan bilang mambabatas dahil sa pagtanggap niya ng bagong posisyon sa pamahalaan.

“By accepting and performing the duties and functions of Presidential Spokesperson, Harry Roque has forfeited his seat in the House of Representatives,” ayon kay Salo.

Aniya, nararapat na igawad ng liderato ng Kongreso alinsunod sa batas, na gampanan ni Atty. Ciriaco Calalang ang di pa natatapos na termino ni Roque dahil ang nasabing kinatawan ang nominee ng KABAYAN Party-list noong 2016 elections.

“It is now the mere ministerial duty of the leadership of the House to, by operation of law, let Atty. Ciriaco Calalang serve the unexpired term as third nominee of the KABAYAN Party-list in the 2016 elections and assume the now vacant seat of Roque, which the presidential spokesperson acquired when he was still with the KABAYAN Party-list,” pahayag pa niya.

Ipinaliwanag ni Salo, na ang paglilipat ng kapangyarihan ay dapat na “automatic” alinsunod sa Party-list Law o Republic Act 7941.

Ayon pa sa mambabatas, susunod ang KABAYAN Party-list sa itinatakda ng Saligang Batas.

“KABAYAN Party-list shall abide by the Constitution and RA 7941,” pagtatapos niya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *