Winwyn Marquez wagi bilang Reina Hispanoamericana 2017

KINORONAHAN si Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017 noong Sabado sa  Bolivia at unang Filipina na nanalo at lumaban beauty pageant.

Tinalo ni Marquez ang may 26 na kalahok sa patimpalak, kaugnay sa pagdiriwang ng kultura ng Hispanic heritage.

Nagningning ang galing ni Marques sa question-and-answer portion nang itanong sa kanya kung paano niya itataguyod ang kultura ang Hispanic heritage dahil sa hirap o problema sa lengguwahe.

Sinagot ito ng nakangiting si Marquez na: “Language can be learned but the will and determination to contribute to the organization cannot. It has to come from the heart. It has to be natural. I believe that kindness is a universal language that if you treat people with tolerance, patience and love, you will understand each other.”

“The Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated,” dagdag pa niya.

Bago ang pagpuputong ng korona, nag-post sa Instagram si Marquez na,

“enjoying every minute” sa kanyang pananatili sa Boliva para sa nasabing patimpalak.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga kasamahang kandidata dahil sa pagtulong sa kanya na mag-translate ng tanong sa lengguwaheng Espanol pati na sa mga interview.

Si Marquez ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Pamangkin din siya ng dating Miss International na si Melanie Marquez.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *